Wednesday, 28 September 2011

PEDRING

Pedring nga naman oh, ang madalas kong sabihin sa sarili ko. wala na nga akong magawa nawalan pa ng kuryente.


eto ang blog na matatawa ka sa mga kalokohang meron ako, kahit hindi mo ko kilala, makikilala mo ko sa mga isheshare kong experience sa 2 days na walang kuryente. "power tripping" kung tawagin. Wala akong magawa eh. Wala din naman akong katext, kausap etc.



Ugali ko talagang mag imagine ng kung ano-ano (hindi green ah) , yung bagay na imposibleng mangyare. like. "Miss na kita lovely. Pwede pa -hug" iniimagine ang isang lalaki na hindi naman niya talaga sasabihin hanggang sa maiiyak nalang ako. Looks like I'm idoit. yes its funny but that's my hobby everyday. alas dos na ng madaling araw ng maisipan kong ipiki ang mata ko. Natural 12pm nanaman ako magigising. Lagot ako sa Reyna at Hari.



Pinauwi ako ng Amo kong taga Casa Milan kasi "Famealy day". Oo katulong ako sa isang malaking bahay sa Casa Milan. 2 lang naman pinagsisilbihan ko doon. yung College student na ka batch ko at isang grade 5 student. Masaya naman, (ang pogi kasi nung isa) pero aminado akong mahirap.



Unang araw ng brown-out. Shizz! Badtrip ang sabi ko sa sarili ko. Wala akong magawa kundi lumibot sa Hacienda Sobremonte (sa unahang bahay pag pasok ng gate hanggang kila nanay) Kwento dito kwento doon hanggang sa wala na talaga akong magawa.


Kung yung iba tinitipid ang charge ng cellphone nila ako naman sinasayang ko sa larong solitaire. Sabi nila pag nanalo ka sa larong yun, yung wish mo matutupad. Nakailang panalo ako pero kahit isa walang natupad. Nag wish ako na sana may mangamusta sakin. kahit itanong na "binaha ba kayo? ui okay ka lang ba?" e loka loka ang mama niyo. Wala naman akong special someone para may mag tanong ng mga bagay na yan.


Hanggang sa Ma battery empty ako. Okay iniimagine ko nanaman siya (unknown guy) hanggang sa iiyak nanaman ako. hanggang sa makakatulog na ako.




Umaga na!
akala ko may kuryente na. wala nanaman. usual badtrip parin  ako. at dahil walang magawa tulog tulog din. For sure hindi ako makakatulog ngayong gabi. Nagka-internet na e. at syempre may kuryente na.




Isa sa mga favorite kong gawin pag bored ako yung basahin yung libro ni Bob Ong. ABNKKBSNPLAKo?? Last time ko siyang nabasa 3rd year pa ko. So hindi na Fresh sa utak ko yung story. Isang higaan lang ako doon. walang tayo. basa lang ako ng basa. nakakainspired mag aral pag nabasa mo yung book niya. sobrang naka connect ako at feeling ko lahat ng nakasulat doon ay patama sakin.


Maloko ang babae. for short ugaling lalaki. Maraming kalokohan nung grade. palibhasa tomboy ako noon. reminisce. mahilig ako manuntok ng kaklaseng lalaki noon at mas siga pa ako sa kanila. dun ko din naramdaman ang unang heart break ko. </3 binusted ako ng babae. YIKESS :\ haha.



Wala na akong balak mag-aral 
sabi ko nung 2nd year ako. Ewan ko. tinamad ako bigla siguro dahil sa tropa kong Spice Girls ( barkadahang mahilig gumimik) kaya gusto ko lagi kaming nag cucutting. Disappointment ang inabot ko sa parents ko noon. siguro walang boyfriend kaya ganun. puro tropa.




Sa wakas! nag ka boyfriend ulit 
Unexpected.. 2nd year? parang yuckiness. 3rd year na ko noon. ayun? keri naman. mukha naman akong 1st year eh. (ang masakit na katotohanang pang hs lang ang height ko)




Ang lungkot. Wala akong love life :( 
Hindi ko alam kung nabakante ako ngayon ng ganito katagal 7months... 7 months naghintay at umasa.. umasa sa lalaking paasa. masakit syempre pero minsan kailangan masaktan para matuto. hindi pa ako nakaka move on. at syempre hindi ako nag aaccept ng bago. siguro nga hindi pa ko nakakamove on.



Ang mga lalaki madaling mag move on..... 
Pag alam mong sa sarili mong hindi ka kagandahan. yung feel mo pang panakip butas ka lang, yung hindi ka worth habulin. yung hindi nila pag sisisihan pag iniwan nila.
SO MEAN...
yan ang tingin ko sa mga ex ko. iniwan ako at hinayaang mamalimos ng pag ibig sa kanila. umasa ako for short... minahal ko e, ng sobra sobra... pero WALA e. lotats ang beauty ko. bukod sa Mataba't maliit ako e, maitim at saksakan ng panget (sabi ng ex ko)
Hindi na tumaas ang rank ko sa beauty. MAS PANGET PA AKO SA BEAST  ang qoute ko sa sarili ko. simula nung inaraw-araw niyang pag sabi sakin ng "ang panget mo" hindi na... hindi na talaga ako naging maganda sa paningin ko. hindi ko alam kung iiyak ako sa mga oras na yun pero naasar ako sa sinasabe niyang  "ang panget mo" ng paulit-ulit.
pero wala naman sakin yun.. manhid ako pag nasasaktan ako. kumbaga sa bola tumalbo yung sinabe niya.. pero masakit na kung dati sinasabi niya na "hon.. ang ganda mo" "crush kaya kita noon" dati yun... dati pa.


Ang mga lalaki walang tinutupad na pangako....
Sabi ng teacher ko sa geom noon. wag na wag daw ako maniniwala sa pangako ng isang lalaki.. well, hindi ko siya sinunod. hanggang kinig lang naman ako ng payo pero kahit isa doon. wala akong sinunod. Naniwala akong sa pangakong "hindi kita iiwan" "FOREVER" at "till death do us part" . 
Feeling ko talaga nung araw na yun may asawa na ko.
Off limits kung baga..
May sing-sing at pangako sa isa't-isa na "walang iwanan" 
kahit wala sa tamang lugar para mag pangako na "lovers lane" naman kami kaya pwede na.


First time kong.... 
Umoo sa offer na "pakasal na tayo" sa pag aakala ko na siya ang tutupad ng salitang FOREVER. uto-uto ako for short. sabi nga ng blockmates ko "IKAW? MAGANDA KA? SAN BANDA? SA PAA.. walang forever sa ganiyang mukha" nung una ayaw ko maniwala pero... naniwala din..



Masama rin pala pag showy ka masyado.. Masama rin pag COLD ka.. eno ano?? saktuhan lang?




Noon pa lang hindi siya tumutupad ng pangako...
Nanghihingi ako ng Double Dutch pero naging bato... at sa huling pagkikita namin, humihingi ako ng apple pie sa halagang 25 pesos. remembrance.. kaso.. yung pangako niyang yun "next time nalang gusto mo dalawa pa e o tatlo nalang" ang masaklap. Wala ng next time..



Ang dahilang kung bakit. akin nalang yon.. :)









Sana.. magustuha niyo
- LovelySDG